Naaresto ng mga awtoridad ang 31-anyos na suspek sa pag-agaw sa bag at pagkaladkad pa sa 67-anyos na babae sa San Fernando, Pampanga.Sa ulat ng GMA Regional TV One North Central Luzon nitong Biyernes, sinabing Mayo 24 nang mahuli-cam sa closed circuit television (CCTV) camera ang ginawa ng suspek sa babae na kaniya pang sinipa.Ayon sa pulisya, naaresto ang suspek sa isang buy-bust operation noong Martes sa Barangay Pio sa Porac, Pampanga.Nakuha sa suspek ang 2.3 grams ng hinihinalang shabu, isang baril, at markadong pera.Inamin naman ng suspek ang krimen na nagawa daw niya dahil sa matinding pangangailangan.Napag-alaman din ng pulisya na dati nang nakulong ang suspek noong 2024 dahil sa kasong illegal gambling.--FRJ, GMA Integrated News