Isang babaeng anim na taong gulang ang nakitang patay at hinihinalang ginahasa sa isang abandonadong bahay sa Burauen, Leyte. Ang suspek sa krimen, ang 50-anyos na kapitbahay ng biktima na sumama pa raw sa paghahanap sa bata.Sa ulat ng GMA Regional TV Balitang Bisdak nitong Biyernes, sinabing nangyari ang krimen sa Barangay Cansiboy noong Martes ng gabi.Sa imbestigasyon ng pulisya, iniwan umano ng lola ang biktima sa kanilang bahay para pag-duty bilang tanod. Ngunit pag-uwi nito, wala na ang bata.Hinanap ang biktima hanggang sa matagpuan ito sa isang abandonadong bahay. Isinugod pa ang bata sa ospital pero idineklarang patay na.Habang nagsasagawa ng imbestigasyon ang pulisya, isang saksi ang nagbigay ng impormasyon at itinuro ang suspek na siya umanong kumuha sa bata.Kaagad na inaresto ang suspek na mahaharap sa kaukulang reklamo.Hindi rin nagbigay ng ibang detalye ang pulisya dahil sa sensitibo ang kaso.Ayon kay Police Lieutenant Aileen Salarda, Deputy Chief of Police ng Burauen, hindi nakikipagtulungan ang suspek sa kanilang mga itinatanong tungkol sa krimen.Hindi pa nakukuhanan ng pahayag ang suspek.-- FRJ, GMA Integrated News