Nilapitan ng makamandag na "walo-walo" sea snake ang isang babaeng lumalangoy sa dagat sa Mabini, Batangas.Sa ulat ng 24 Oras Weekend ngayong Linggo, nag-aaral ang babae ng freediving lessons nang makita nila ang ahas na lumalangoy papalapit sa kanila. Maririnig sa video na tumitili sa takot ang babae nang lumapit ang ahas sa kanyang balikat.Ayon sa video uploader na isang diving coach, mabuti na lang at walang natuklaw ang ahas.Ang walo-walo, o sea krait, ay hindi agresibo pero ito ay isa sa pinakamakamandag na ahas sa buong mundo. — BM, GMA Integrated News