Isang lalaking nagpagupit ang hindi na nagbayad sa barbero, tinangayan pa niya ng motorsiklo sa Bacolod City.

Sa ulat ng GMA Regional TV, na iniulat din sa Balitanghali nitong Martes, nakunan sa CCTV camera ang paglabas ng suspek sa pagupitan na nakasuot ng sandong itim.

Ilang saglit pa, iniatras na niya ang isang nakaparadang motorsiklo na hindi naman pala sa kaniya. 

Nalaman na pagmamay-ari ang naturang sasakyan ng barbero na naggupit sa suspek na hindi rin nagbayad.

Hindi na ito iniulat ng barbero sa pulisya. -- Jamil Santos/FRJ, GMA Integrated News