Hinuli ng mga residente ang dalawang lalaking nagnanakaw umano ng baterya ng isang nakaparadang jeep sa Murcia, Negros Occidental.

Sa ulat ng GMA Regional TV, na iniulat din sa Balitanghali nitong Huwebes, sinabing hinala ng mga residente na puntirya ng mga suspek ang baterya ng isang nakaparadang jeep sa lugar.

Sinuri ng mga residente ang gamit na tricycle ng mga suspek at nakita nila ang anim na baterya ng sasakyan.

Sinabi ng pulisya na umamin sa kanila ang mga suspek na talagang modus nila ang pagnanakaw ng baterya.

Sinampahan na ang mga lalaki ng reklamong theft. — Jamil Santos/VBL, GMA Integrated News