Nasawi ang isang pahinante matapos siyang tumalon mula sa sinasakyang truck na nawalan umano ng preno sa Tabaco. Albay.
Sa ulat ng GTV News Balitanghali nitong Miyerkoles, makikita sa video footage na mabilis ang takbo ng truck na dumausdos sa gilid ng kalsada sa Barangay Tabiguian.
Bumangga ang truck sa mga puno sa gilid ng daan at muntik pang tamaan ang isang bahay.
Nasawi sa aksidente ang pahinante ng truck, habang sugatan ang driver.
Sa imbestigasyon ng pulisya, nawalan umano ng preno ang truck na nanggaling sa Camarines Sur. –FRJ, GMA Integrated News
