Patay na nang makita sa loob ng kaniyang sasakyan ang isang taxi driver na may tama ng bala nitong Miyerkules ng umaga sa Barangay Mactan, Lapu-Lapu City sa Cebu.
Sa ulat ni Decemay Padilla sa Super Radyo dzBB, sinabing 47-anyos ang biktima, na residente ng Barangay Bankal, sa nasabing lungsod.
Ayon sa asawa ng biktima, wala siyang alam na kaaway ng kaniyang mister.
Umalis umano ang kaniyang mister kaninang madalang araw para pumasada matapos na may mag-book sa biktima.
Hinihinala ng anak ng biktima na biktima ng holdap ang kaniyang ama.
Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng pulisya sa insidente.
Isang taxi driver sa Cebu, natagpuang patay sa loob ng kanyang taxi | ulat ni Decemay Padilla, Super Radyo Cebu pic.twitter.com/K1BOCU9v4M
— DZBB Super Radyo (@dzbb) July 2, 2025
Samantala, makikita sa Facebook post ng GMA Regional TV ang video footage sa pagdaan ng taxi ng biktima, at tumigil sa isang bakanteng lote.
Dakong 4:00 am nang makita umano ng mga residente ang biktima na patay na.
–FRJ, GMA Integrated News

