Patay ang isang lalaki sa Laoag City, Ilocos Norte matapos matabunan ng lupa mula sa hinuhukay niyang balon.
Ayon sa ulat sa 24 Oras Weekend, sinabi ng CDRRMO na mahigit 12 talampakan ang lalim ng ginagawang balon. Kasunod ng mga pag-ulan, biglang lumambot at gumuho ang tambak ng lupa na tumabod sa biktima.
Gumamit ang mga awtoridad ng backhoe para sa search and retrieval operation.
Nangako ng tulong sa pamilya ng biktima ang kapitbahay, na nagpahukay ng balon. — BM, GMA Integrated News
