TAGKAWAYAN, Quezon - Dead on the spot ang driver at ang pahinante ng isang delivery van makaraan itong sumalpok sa isang puno sa Tagkawayan, Quezon nitong Martes ng umaga.

Nangyari ang insidente sa Quirino Highway sa Barangay San Vicente dakong alas-sais ng umaga.

Ayon sa Tagkawayan Municipal Police Station, nawalan ng kontrol sa manibela ang driver ng delivery van sa pababang bahagi ng highway, dahilan para sumalpok ito sa isang puno at isang tindahan. 

Galing Maynila ang delivery van at patungo sana sa Bicol lulan ang mga detergent soap.

Sa tindi ng pagsalpok sa puno ay nawasak ang delivery van at nagkalat ang mga karga nito. 

Wala namang ibang nadamay sa aksidente.

Nagpapatuloy ang imbestigasyon ng pulisya. —KG, GMA Integrated News