Patay ang isang driver matapos mawalan ng preno ang minamaneho niyang truck at sumalpok sa barrier sa Atimonan, Quezon.
Sa ulat ng GMA Regional TV sa Balitanghali nitong Martes, sinabing dumadaan ang truck sa pababang parte ng diversion road sa Barangay Santa Catalina nang bumulusok ito at bumangga sa barrier.
Nagsitalunan palabas ang mga sakay ng truck, ngunit nasawi ang truck driver matapos magtamo ng injury matapos tamaan ng gulong.
Samantala, nakaligtas ang tatlong iba pang sakay.
Lumabas sa imbestigasyon na nawalan ng preno ang truck. —Jamil Santos/VBL, GMA Integrated News
