Sumiklab ang makapal at maitim na usok matapos masunog ang isang barko sa gitna ng dagat sa Turtle Island sa Tawi-Tawi.

Sa ulat ng Balitanghali nitong Martes, sinabing isang bangka ang kasabay ding nasunog ng barko.

Ilang namamangka malapit sa lugar ang kasama sa mga rumesponde.

Patuloy na inaalam ang pinanggalingan ng apoy. —Jamil Santos/ VAL GMA Integrated News