Nasapul sa CCTV ang pananampal at panununtok ng isang babae sa isang binatilyo sa Barangay Tumaga, Zamboanga City.

Sa ulat ng Unang Balita nitong Miyerkoles, mapanonood na naglalaro ang 14-anyos na binatilyo nang dumating ang babae.

Kinumpronta ng babae ang binatilyo, hanggang sa sinaktan na niya ito. Dahil dito, nagtamo ng bukol sa ulo ang binatilyo.

Lumabas sa imbestigasyon na gumanti lamang ang babae matapos saktan umano ng binatilyo ang kaniyang anak nang makaaway ito.

Inilahad ng barangay na under probation pa ang babae dahil sa dati na niyang kaso ng pananakit at pagbabanta.

Desidido ang magulang ng biktima na sampahan ng reklamo ang babae, na kanilang kapitbahay.

Hawak na ng pulisya ang babae na walang pahayag sa media. —Jamil Santos/VBL GMA Integrated News