Inihayag ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) na mahigit 110 biyahe ng eroplano na papunta at palabas ng Pilipinas ang nakansela o nailihis dahil sa nagpapatuloy na kaguluhan sa Middle East.

Umabot sa 114 na flight ang naapektuhan hanggang 3:00 p.m. noong Huwebes, Marso 5 — kung saan 113 ang nakansela habang isa naman ang naiba ang ruta.

 

 

Narito ang listahan ng mga apektadong flights:

 

Lalong tumindi ang tensyon sa Middle East nitong nakaraang weekend matapos mapatay ang Iranian Supreme Leader na si Ayatollah Ali Khamenei sa airstrikes na isinagawa ng Amerika at Israel.

Nauna nang sinabi ni US President Donald Trump nitong Lunes (Linggo sa oras sa Washington) na magpapatuloy ang mga operasyong militar sa Iran hanggang makamit ang lahat ng layunin. —Jon Viktor Cabuenas/RF GMA Integrated News