Nasawi ang isang ginang matapos siyang pagsasaksakin ng sarili niyang mister dahil umano sa selos sa Guihulngan, Negros Oriental. Ang ina, naulila ang dalawa nilang anak.

Sa ulat ng GMA Regional TV sa Balitanghali nitong Huwebes, isinalaysay ng pulisya na nagkaroon ng pagdududa ang lalaki kung saan nagpunta ang asawa, na nauwi sa pagtatalo.

Ang suspek, umaming hindi siya nakapagpigil kaya siya kumuha ng kutsilyo sa kusina at pinagsasaksak ang kaniyang asawa.

Dead on arrival ang babae sa ospital.

Naulila ng ginang ang dalawa nilang anak, na edad 7 at 4.

Nagpayo ang ama sa suspek na sumuko na, kaya sumuko ito sa tiyuhin niya na tanod ng barangay.

Hindi nagbigay ng pahayag ang suspek, na nahaharap sa reklamong parricide. –Jamil Santos/VBL GMA Integrated News