Dinakip ang isang konsehal, na dati ring alkalde, matapos siyang mahulihan ng dalawang baril sa Tampilisan, Zamboanga Del Norte.

Sa ulat ng GMA Regional TV sa Balitanghali nitong Miyerkoles, sinabing pinuntahan ng mga awtoridad sa bisa ng warrant ang lugar ni Julius Bomediano sa Barangay Poblacion.

Nakuha sa kaniya ang isang riffle, isang baril at mga bala.

Bago nito, nanilbihan na rin si Bomediano bilang alkalde ng Tampilisan, na walang pahayag kaugnay sa kaniyang pagkakadakip.

Nahaharap ang konsehal sa reklamong paglabag sa Comprehensive Law and Firearms Ammunition Act.—Jamil Santos/FRJ GMA Integrated News