Nasawi ang isang ang 32-anyos na lalaki matapos siyang suntukin ng kaniyang kaibigan nang magkainitan sila sa inuman sa Aritao, Nueva Vizcaya.
Sa ulat ng GMA Regional TV sa Balitanghali nitong Huwebes, sinabing lumabas sa imbestigasyon na nag-inuman ang dalawa sa Upper Baan.
Nang magkainitan, sinuntok ng suspek ang ulo ng biktima, kaya ito natumba at nawalan ng malay.
Idineklarang dead on arrival ang biktima sa ospital.
Dinakip at mahaharap sa reklamong homicide ang suspek, na hindi nagbigay ng pahayag. —Jamil Santos/VBL GMA Integrated News
