Limang pasahero ng isang bus ang sugatan matapos nitong makasalpukan ang isang dump truck sa Gerona, Tarlac.
Sa ulat ng GMA Regional TV sa Balitanghali nitong Biyernes, sinabing naganap ang insidente sa Barangay Magaspac, kung saan mapanonood sa CCTV na papasok ang dump truck sa Manila North Road nang mabangga ito ng paparating na bus.
Dinala ang mga sugatang pasahero sa ospital.
Sinabi ng pulisya ang bus ang may right of way, ngunit biglang dumiretso ang dump truck kaya nangyari ang banggaan sa highway.
Ayon sa driver ng truck, hindi na niya ito nakontrol dahil sa bigat ng dala ng kaniyang sasakyan.
Hindi pa nagbibigay ng pahayag ang mga sangkot sa aksidente.-- Jamil Santos/FRJ GMA Integrated News
Dump truck at bus, nagsalpukan sa Tarlac; 5 pasahero ng bus, sugatan
Agosto 29, 2025 6:58pm GMT+08:00
