Sugatan ang isang mag-live in partner matapos silang umiwas sa isang motorsiklo, kaya nabangga at nabagsakan ng poste ang kanilang sports utility vehicle sa Luna, Apayao.

Sa ulat ng Balitanghali nitong Biyernes, sinabing pinagtulungan ng mga residente at mga awtoridad na alisin ang bumagsak na poste sa SUV upang makuha ang mga biktima sa Barangay Santa Lima.

Lumabas sa imbestigasyon na iniwasan ng driver ng SUV ang isang motorsiklo kaya sila sumalpok sa poste at bumagsak sa kanila ang poste.

Naipit sa SUV ang mga biktima na dinala sa ospital at inoobserbahan.—Jamil Santos/FRJ GMA Integrated News