Tatlo ang nasawi, at anim ang sugatan ang bumangga ang sinasakyan nilang van sa isang poste ng kuryente sa Ilagan, Isabela.
Sa ulat ng GMA Regional TV sa GTV News Balitanghali nitong Martes, inihayag ng mga awtoridad na nangyari ang insidente sa bahagi ng Barangay San Juan nitong Lunes ng madaling araw.
Hinihinalang nakaidlip ang driver ng van habang nagmamaneho kaya ito bumangga sa poste. Kabilang ang driver sa anim na nasugatan, at malubha umano ang kaniyang kalagayan.
Dahil din sa pagkakasira ng poste na nabangga ng van, pansamantala ring nawalan ng suplay ng kuryente sa lugar. – FRJ GMA Integrated News
