Nauwi sa trahediya ang paliligo sa ilog ng apat na magkakaibigan nang malunod ang isa sa kanila na 12-anyos sa Guagua, Pampanga. Pero hindi ng pamilya, hindi aksidente ang nangyari.
Sa ulat ng GMA Regional TV One North Central Luzon nitong Lunes, sinabing iabot ng halos 24-oras bago nakita ng rescue team ang katawan ng binatilyo sa ilalim ng ilog.
Pero hinala ng pamilya ng binatilyo, may foul play at hindi basta aksidente ang nangyari sa biktima.
Ang isa sa mga kasama ng biktima ang hinihinalang may kinalaman sa pagkamatay ng binatilyo.
Ayon sa barangay official, nakita ang biktima kasama ang tatlong iba pa na magkakasama bago ang insidente.
Itinanggi naman ng kaibigan ang alegasyon pero naghain pa rin ang pamilya ng reklamo laban sa kaniya.
Nasa kustodiya ng ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang suspek, habang tumanggi umano ang pulisya na magbigay ng pahayag habang nagsasagawa ng imbestigasyon. –FRJ GMA Integrated News
