Pinagpiyestahan ng ilang mangingisda ang sangkaterbang tawilis na kanilang nahuli sa Taal lake sa bahagi ng Talisay, Batangas.
Sa ulat ng GTV News Balitanghali nitong Lunes, ipinakita ang video ng Youscooper na si Wennie Napa, na kaniya-kaniya ng hango o pagkuha ng banye-banyerang tawilis ang mga mangingisda.
BASAHIN: Tawilis na endangered species na sa Taal Lake, nanganganib na bang maubos?
Panahon daw talaga ngayon ng tawilis at ilang araw nang maraming tawilis ang kanilang nahuhuli.
Nitong nakaraang Hunyo, iniulat na dumadaing ang mga mangingisda at mga nagtitinda ng tawilis na naging matumal ang benta dahil sa usapin ng mga nawawalang sabungero na itinapon umano ang mga labi sa lawa ng Taal. – FRJ GMA Integrated News
