Nakaranas ng matinding pagbaha ang ilang barangay sa Valencia City at Maramag sa Bukidnon bunga ng malakas na ulan nitong Miyerkoles. Apat na ang nasawi at anim ang nawawala.
Sa ulat ng GMA Regional TV One Mindanao nitong Huwebes, makikita na ilang residente ang nahirapang makauwi dahil sa malakas na agos ng tubig. Isang ginang ding ang matindi ang pag-iyak matapos tangayin umano ng baha ang kaniyang anak.
Nalubog din sa baha ang Central Mindanao University, at ilang nakatira sa mga boarding house ang napilitang lumikas. Panoorin sa video ang buong ulat. – FRJ GMA Integrated News
