Natagpuan ang isang buhay na sanggol na inabandona at nakasilid sa kahon sa isang kalsada sa Tuguegarao City.
Sa ulat ng GMA News "Unang Balita" nitong Huwebes, sinabing namataan ang sanggol sa gilid ng bypass road sa Barangay Carig.
Inihabilin sa pulisya ang sanggol, at dinala kalaunan sa Department of Social Welfare and Development.
Patuloy ang pag-iimbestiga ng mga awtoridad upang matukoy kung sino ang nag-iwan sa sanggol. – Jamil Santos/FRJ GMA Integrated News
Buhay na sanggol, natagpuang inabandona sa isang kahon sa bypass road sa Tuguegarao City
Setyembre 25, 2025 7:23pm GMT+08:00
