Nasawi ang isang lalaki matapos saksakin ang isa pang lalaki nang dahil umano sa selos sa Bacolod City.
Sa ulat ng GMA Regional TV sa Balitanghali nitong Huwebes, sinabing lumabas sa imbestigasyon ng pulisya na nilapitan at sinaksak ng suspek ang biktima, na nasa labas noon ng bahay ng tiyahin ng kaniyang kinakasama.
Namatay ang biktima dahil sa tinamong saksak sa dibdib.
Hinala ng pulisya, nakarelasyon ng kinakasama ng biktima ang suspek.
Ngunit ang babae, itinanggi na naging nobyo niya ang suspek.
Patuloy na hinahanap ng pulisya ang suspek. -- Jamil Santos/FRJ GMA Integrated News
Lalaki, patay nang saksakin ng isa pang lalaki dahil umano sa selos
Setyembre 25, 2025 7:41pm GMT+08:00
