Ipinakita ng dalawang tindera na buhay na buhay ang bayanihan sa gitna ng kalamidad, matapos nilang ipamigay ang mga panindang pancakes sa mga naapektuhan ng lindol sa Cebu.

Sa ulat ng GTV News Balitanghali nitong Biyernes, sinabing nakilala ng GMA Regional TV sina Grace Arnade at Elma Pepito Sa Liloan.

Sa halip na ibenta ang kanilang mga pancake, minabuti nilang ibigay na lamang ito sa mga kapwa nila Cebuano na sinalanta ng lindol.

Pinagkatiwalaan nila ang GMA Regional TV News Team para ihatid ang pancakes sa hilagang bahagi ng probinsya.

Sinabi nina Grace at Elma na malaking bagay ang pagtulong at maghatid ng kabutihan sa mga ganitong sitwasyon.—Jamil Santos/FRJ GMA Integrated News