Tatlo katao ang patay matapos tambangan ang isang konsehal na sakay ng SUV sa Barangay Salunayan sa Midsayap, Cotabato. Kabilang sa mga nasawi ang isang tricycle driver at pasahero na kasabay lang na bumibiyahe ng SUV.

Sa ulat ng GMA News Unang Balita nitong Miyerkoles, sinabing lumabas sa imbestigasyon na patungo sa bahay ng kaniyang kaanak ang konsehal nang bigla siyang pagbabarilin ng mga sakay ng isang puting mini-van.

Bukod sa tricycle driver at pasahero, patay din ang isa pang retiradong sundalo na sakay ng SUV.

Nagtamo naman ng mga sugat ang SUV driver at ang konsehal.

Patuloy ang paghahanap sa mga gunman at ang kanilang motibo sa krimen.-- Jamil Santos/FRJ GMA Integrated News