Nasa kritikal na kondisyon ang dalawang rider matapos silang magkasalpukan sa Phil-Am Road, Barangay Tambler, General Santos City.
Sa ulat ng GMA Regional TV sa Balitanghali nitong Martes, mapanonood ang dash cam video ng mabilis na takbo ng isang motorsiklo.
Ilang saglit lang, sumalpok na ito sa isa pang motorsiklo.
Dinala ang parehong rider sa ospital.
Sinabi ng Traffic Enforcement Unit sa General Santos City Police na nag-U-turn ang rider na nasa unahan nang masalpok siya ng isa pang rider.
Sinisikap pang kunan ng panig ang pamilya ng mga biktima.—Jamil Santos/FRJ GMA Integrated News
2 rider, kritikal nang magsalpukan sa Phil-Am Road sa GenSan
Oktubre 21, 2025 3:47pm GMT+08:00
