Isang hinihinalang lider ng New People’s Army (NPA) ang nasawi matapos niyang makaengkuwentro ang tropa ng militar sa Norzagaray, Bulacan.

Sa ulat ng GMA Regional TV sa Balitanghali nitong Miyerkoles, sinabing kinilala ang napatay na si Jordan Mopon alyas “Boyong,” na sangkot umano sa extortion at ilang aktibidad sa Calabarzon.

Sinabi ng militar na may natanggap silang ulat tungkol sa presensiya ng mga NPA sa Sitio Balagbag sa Barangay San Mateo kaya nagsagawa sila ng operasyon.

Isang rifle ang kasama sa mga narekober na ebidensya sa lugar ng sagupaan.

Patuloy ang pagtugis ng militar sa mga kasamahan nito na nakatakas.— Jamil Santos/FRJ GMA Integrated News