Nasawi ang isang delivery rider matapos na matumba ang minamaneho niyang motorsiklo at bumangga sa kasalubong na elf truck sa Kayapa, Nueva Vizcaya.
Sa ulat ng GMA Regional TV One North Central Luzon nitong Biyernes, sinabing nangyari ang insidente noong umaga ng Miyerkoles sa bahagi ng Barangay Pangawan.
Sa imbestigasyon ng pulisya, lumalabas na natumba umano ang 26-anyos na rider sa palikong bahagi ng kalsada at napunta sa kabilang linya kung saan niya nakasalubong ang truck.
Nagtamo ng mga sugat ang biktma na sanhi ng kaniyang pagkamatay.
Wala pang pahayag ang driver ng truck, habang sinisikap pang makuhanan ng pahayag ang pamilya ng biktima, ayon sa ulat. – FRJ GMA Integrated News
