Sugatan ang isang motorcycle rider na nag-beating the red light matapos siyang sumalpok sa isang SUV na papasok ng intersection sa Aguinaldo Highway sa Dasmariñas, Cavite.
Sa ulat ng Balitanghali nitong Martes, mapanonood na ilang segundo na lamang at malapit nang magpula ang traffic light.
Pagpula ng ilaw, pumasok sa intersection ang isang SUV mula sa kanang bahagi ng highway. Sa bandang gitna, sumalpok ang isang motorsiklo na nag-beat sa red light.
Tumilapon ang rider at tumama pa sa center island. Isinugod siya sa pagamutan.
Patuloy ang imbestigasyon sa insidente. —Jamil Santos/VBL GMA Integrated News
