Nasawi ang isang 70-anyos na babae matapos siyang magulungan ng pison na umatras sa Tantangan, South Cotabato. Ang biktima, pauwi na galing sa simbahan.

Sa ulat ng GMA Regional TV sa Balitanghali nitong Lunes, sinabing pauwi na galing sa simbahan ang biktima nang mangyari ang trahedya.

Sa imbestigasyon, tumawid umano ang biktima sa bahagi ng kalsada sa Barangay News Cuyapo na may kinukumpuni nang maatrasan siya ng pison.

Idinahilan ng operator o driver ng pison na hindi niya napansin ang biktima, at wala rin umanong nakakita sa babae para masenyasan ang operator.

Nasa kustodiya ng mga awtoridad ang operator ng pison, habang wala pang pahayag ang mga kaanak ng biktima.-- FRJ GMA Integrated News