Namatay ang isang lalaking 26-anyos matapos siyang sakmalin sa ulo ng isang buwaya sa Balabac, Palawan kaninang madaling araw.
Sa ulat ni Jhun Bantaculo ng Super Radyo Palawan sa Super Radyo dzBB nitong Miyerkoles, sinabing nagha-harvest ng sea cucumber ang biktima, kasama ang tatlong iba pa, sa bahagi ng Barangay Agutayan.
Batay sa inisyal na imbestigasyon ng mga awtoridad, habang nangunguha ng sea cucumber, bigla na lang sinakmal sa ulo ng buwaya ang biktima.
Lalaki, patay matapos atakehin ng buwaya sa Brgy. Agutayan sa Balabac, Palawan. | via Jhun Bantaculo, Super Radyo Palawan pic.twitter.com/MieRYWV3p3
— DZBB Super Radyo (@dzbb) December 10, 2025
Nakuha naman ang mga labi nito kinalaunan at agad na inilibing dahil na rin sa tradisyon ng Islam.
Patuloy na nagsasagawa ng imbestigasyon ang mga awtoridad sa nangyari.
Nitong nakaraang linggo, isang 14-feet na buwaya na hinihinalang umatake sa may 15 aso na hinuli ng mga residente sa katabing bayan ng Bataraza. –FRJ GMA Integrated News
