Nasawi ang isang dating barangay chairman matapos siyang pagbabarilin ng kaniyang kapatid na punong barangay ngayon sa Bantay, Ilocos Sur.

Sa ulat ng GTV News Balitanghali nitong Lunes, sinabing nangyari ang insidente sa Barangay Sabneb.

Sa imbestigasyon ng pulisya, napag-alaman na dati nang may alitan ang magkapatid tungkol sa pamamalakad sa kanilang barangay.

Na-recover sa crime scene ang ilang basyo ng bala ng baril.

Sumuko naman ang suspek kalaunan na mahaharap sa karampatang kaso.

Sinusubukan pang makuhanan ng pahayag ang suspek at kamag-anak ng mga biktima—FRJ GMA Integrated News