Nasawi ang isang rider at kaniyang angkas nang mabangga at makaladkad ng isang truck ang sinasakyan nilang motorsiklo sa Sariaya, Quezon.

Sa ulat ng GTV News Balitanghali nitong Lunes, sinabing binabagtas ng mga biktima ang kalsada sa Barangay Pili nang lumihis sa linya ang nakasalubong na truck at nabangga sila.

Nasa kustodiya ng pulisya ang driver ng truck na mahaharap sa reklamong reckless imprudence resulting to double homicide and damage to property.

Wala pang pahayag ang driver ng truck at mga kaanak ng biktima.—FRJ GMA Integrated News