Nasawi ang isang 60-anyos na motorcycle rider matapos siyang mahulugan ng pinutol na sanga mula sa puno sa San Carlos, Pangasinan.

Sa ulat ng GTV News Balitanghali nitong Lunes, sinabing lumabas sa imbestigasyon ng pulisya, na napadaan lang sa lugar ang biktima nang masakto na may nagpuputol ng sanga.

Nahulog ang sanga at tinamaan ang rider na nabagok ang ulo sa kalsada nang matumba

Sinampahan umano ng reklamong reckless imprudence resulting to homicide ang pumutol ng sanga, na sinusubukan pang makuhanan ng pahayag. – FRJ GMA Integrated News