Tila wedding bells are ringing para kina Gabbi Garcia at Khalil Ramos, matapos silang bumida bilang married couple sa music video ng latest song ng grupong Ben&Ben. Handa na kaya silang tototohanin ang kasal?
Sa Chika Minute report ni Nelson Canlas sa 24 Oras Weekend nitong Sabado, mapanonood ang pasulyap sa music video kung saan mga ikinasal na ang kanilang karakter.
“When @miguelbenjamin_ first played this song for us, we both got emotional because it felt so close to our own story. ‘Duyan’ is such a precious song. A love letter to the person you choose to commit to, grow with, and build a life with,” caption ni Gabbi.
“As a couple who have been together for many years, this means so much to us. We’re truly grateful to be part of something so honest, intimate, and beautiful,” dagdag pa niya.
“Foreshadowing!” komento ni Carla Abellana.
“Magko-congrats na sana ako!” komento naman ni It's Showtime host Darren Espanto.
“Actually nakakatawa kasi ang dami ding nag-akala na totoo siya. But we made it clear that it's really for the music video,” sabi ni Gabbi.
Natanong si Gabbi kung malapit nang magkatotoo ang eksenang ito?
“Tanungin natin si Khalil,” tugon niya. “Wala pa. Tsaka kalma lang kami. Alam mo ‘yun, parang we're super secured naman sa isa't isa na hindi namin kailangan magmadali, mag-worry. Okay naman kami.”
Inihayag din ni Gabbi ang kaniyang excitement dahil palapit na nang palapit ang finals night ng PBB Celebrity Collab Edition 2.0.
Unexpected ang mga kaganapan sa ngayon at magiging mas mainit pa ang mga eksena sa reality show.
“Malapit-lapit na ang pagtatapos. Pero exciting, dami paring exciting. Kasi recently nagkaroon ng wildcard zone na nagdagdagan na naman sila. And mas marami pang houseguests na natin,” sabi niya. —Jamil Santos/VBL GMA Integrated News
