Patay ang isang 59-anyos na barangay kagawad matapos siyang pagbabarilin ng riding-in-tandem sa Murcia, Negros Occidental.

Sa ulat ng GMA Regional TV sa Balitanghali ngayong Miyerkoles, sinabing lumabas sa imbestigasyon ng pulisya na nanggaling sa clean-up drive ang biktima bago maganap ang pamamaril.

Nagtamo ng tama ng bala ng baril sa ulo ang biktima at agad na nasawi.

Patuloy na tinutugis ang riding-in tandem at inaalam pa ang motibo sa krimen.

Ayon sa mga kaanak ng opisyal, dati nang pinagtangkaan ang buhay ng biktima dahil sa alitan sa lupa.—Jamil Santos/FRJ GMA Integrated News