Nakilala na ang isang babae at isang lalaki na nakitang patay at sunog na ang mga katawan sa loob ng isa ring sunog na kotse sa Peñaranda, Nueva Ecija.
Sa ulat ng Unang Balita nitong Miyerkoles, kinilala sila ng Nueva Ecija Police na sina Michael Odchigue at Regine Espinosa.
Sinabi ng kapulisan na isa sa mga tinitingnang anggulo sa krimen na posibleng may kinalaman sa negosyo ang pagpaslang sa dalawa.
May persons of interest na ang mga awtoridad pero tumanggi muna silang magbigay ng mga karagdagang detalye.
Natagpuan nitong Lunes ang mga labi ng mga biktima na parehong sunog sa loob ng sunog ding kotse sa Barangay Sinasajan. — Jamil Santos/VBL GMA Integrated News
