Nahuli-cam ang ilang beses na pagsirko ng isang motorsiklo na may dalawang nakasakay matapos na sumabit sa mga nakalaylay na kable sa Mlang, Cotabato.

Sa ulat ng GTV News Balitanghali nitong Lunes, inihayag ng uploader ng video, na hindi na naiwasan ng rider na mabilis umano ang takbo ang mga nakalaylay na kable ng internet sa isang bahagi ng kalsada.

Bago ang insidente, isang truck ang napag-alaman na dumaan sa lugar at nasagi nito ang mga kable ng internet at nahila pababa.

Sugatan ang dalawang sakay ng motorsiklo na dinala sa ospital.

Iniimbestigahan ng mga awtoridad ang aksidente para matukoy kung sino ang dapat managot sa nangyari. – FRJ GMA News