Isang bangka ang nasunog sa dagat na sakop ng Barangay Puan sa Vallehermoso, Negros Oriental nitong Linggo. Ang 10 turista at operator nito, nasagip.

Sa ulat ng Unang Balita nitong Miyerkoles, mapanonood ang paglagablab ng apoy at maitim na usok mula sa bangka.

Nailigtas ng Philippine Coast Guard at ng local rescue team ang mga turistang sakay ng bangka at ang operator nito.

Patuloy ang imbestigasyon sa sanhi ng pagkasunog ng bangka. —Jamil Santos/VBL GMA News