Arestado ang isang lalaki na may outstanding warrant para sa kasong rape, nang matuklasan ang kaniyang kaso matapos kumuha ng NBI clearance sa Iligan City.
Sa ulat ng 24 Oras Weekend nitong Sabado, sinabing nang kumuha ng NBI clearance ang lalaki, nagsagawa ng verification kaya nagtugma ang kaniyang pangalan, kaso, address, at court records sa inilabas na warrant ng korte.
Aminado ang akusado na may kaso siya, ngunit inakala niyang naayos na ito.
Nasa kustodiya ng NBI Iligan District Office ang akusado habang hinihintay ang commitment proceedings at ang utos galing sa korte. —Jamil Santos/VBL GMA News
