Isang bagong silang na sanggol na nasa loob ng karton ang iniwan at natagpuan sa isang commercial complex sa Tantangan, South Cotabato.
Sa ulat ng GMA News Unang Balita nitong Miyerkoles, mapanonood sa CCTV camera na isang tao na naka-jacket ang nag-iwan sa sanggol bago mag-4:00 a.m. nitong Martes.
Ilang oras matapos nito, isang empleyado ng karinderya sa lugar ang nakakita sa sanggol.
Inihabilin na sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang sanggol, na pinaniniwalaang bagong silang.
Patuloy na inaalam kung sino ang nag-iwan sa kaniya sa lugar. – Jamil Santos/FRJ GMA News
