Isang lalaki ang pinagtataga hanggang sa mapatay ng kaniyang kaibigan na hinamon umano niya ng away sa Dalaguete, Cebu.

Sa ulat ng “24 Oras Weekend” nitong Linggo, makikita sa CCTV footage ang duguang biktima na tumatakbo sa kalsada habang hinahabol ng isang lalaking armado ng itak.

Naabutan kalaunan ng suspek ang biktima matapos na sumakay ng tricycle.

Ayon sa pulisya, magkaibigan ang suspek at ang biktima, at pinatuloy pa umano ng suspek ang biktima sa kaniyang bahay.

Pero dumating ang biktima sa bahay habang natutulog ang suspek at naghahamon na bunutin ang kaniyang itak na humantong sa krimen.

Nahaharap ang suspek sa kasong murder dahil sa insidente.—FRJ GMA News