Isang hindi pa nakikilalang lalaki ang natagpuang patay sa loob ng isang nakaparadang sasakyan sa General Tinio, Nueva Ecija.
Sa ulat ng GMA Regional TV One North Central Luzon nitong Huwebes, inihayag ng Nueva Ecija Police Provincial Office, na napansin ng mga residente sa lugar ang sasakyan nitong Martes, at ini-report sa kanila sa sumunod na araw.
Hindi pa tukoy ang pagkakakilanlan ng lalaki na may mga tattoo sa katawan.
Ayon kay Police Colonel Ritchie Claravall, Acting Director, Nueva Ecija Police Provincial Office, may nakitang bahid ng dugo sa katawan ng biktima.
Kumakalap naman ng mga CCTV footage ang mga awtoridad sa posibleng dinaanan ng sasakyan na maaaring makatulong sa imbestigasyon. – FRJ GMA News
