Isang panukalang batas ang inihain sa Kamara de Representes na naglalayong bumuo ng komisyon para pag-aralan ang posibilidad na palitan ang pangalan ng Pilipinas.

Sa ilalim ng House Bill 5867, iminungkahi ng may-akda na si Magdalo Rep. Gary Alejano, na ang bubuuing komisyon ay kabibilangan ng National Commission for Culture and the Arts (NCCA), National Historical Commission of the Philippines (NHCP), at Komisyon ng Wikang Filipino (KWF).

“If we want to be truly independent, then we should throw away the bonds of colonialism by establishing our own national identity. For our country to move forward, we should identify a name for our country that genuinely reflects our national aspirations, a name that signifies our values and self-determination,” paliwanag ng kongresista.

Sinabi pa ni Alejano na ang magiging pangalan ng bansa ay dapat akma hindi lang sa kalupaan nito, kung hindi maging sa mga mamamayan at sa kaniyang nakaraan.

Bibigyan ng paunang pondo ang komisyon ng P30 milyon, at dapat makapaglabas ng rekomendasyon sa loob ng isang taon.

Pinuna ni Alejano ang pangalan ng bansa na "Felipenas," "Filipinas," "Pilipinas," at "Philippines."

"Which of these is the correct name of our country? It is high time for us to have a name which befits us and is universal to all,” aniya.

Ang Pilipinas ay hango sa pangalan ni King Philip II ng Espanya na sumakop sa ating bansa sa loob ng 377 taon. — FRJ, GMA News