"Tinimbang ngunit kulang."

Ito ang nabisto ng mga opisyal ng lokal na pamahalaan sa Quezon City nang magsagawa ng pag-inspeksyon sa mga timbangan sa isang tindahan sa Barangay Commonwealth.

Sa segment na "Kapuso sa Batas" ng GMA news "Unang Hirit" kamakailan, ipinaliwanag ni Atty. Gaby Concepcion, ang mga pwedeng gawin ng isang mamimili laban sa tindera sa sandaling malaman niya na kulang sa timbang ang produkto na kaniyang binili.

Paliwanag ni Atty. Gaby, ang unang dapat gawin ng mamimili ay ibalik ang biniling produkto at sabihin sa tindera na kulang ito sa timbang para maitama.

Pero kung nais naman ng mamimili na ireklamo o ipahuli ang tindera, ipinayo ng abogada na dapat alamin muna ang ordinansa sa kinaroroonang munisipalidad dahil sila ang may awtoridad at responsibilidad sa pagselyo ng mga timbangan sa pamilihan.

Bagaman mayroon ding batas sa ilalim ng Consumer's Act laban sa mga pandaraya, mayroon din mga parusang nakasaad sa mga ordinansa ng lokal na pamahalaan laban sa mga tindera na tina-tamper ang timbangan.

Panoorin ang buong paliwanag ni Atty. Gaby sa naturang karapatan ng mga mamimili laban sa mga may madayang timbangan:

Click here for more GMA Public Affairs videos:


-- FRJ/KVD, GMA News