Nakararamdam ka ba ng biglaang panghihina ng katawan o kaya naman ay pangangalay sa kasu-kasuan na nasusundan ng pagbigat ng timbang? Aba'y baka hypothyroidism na ‘yan. Panoorin ang ginawang pagtalakay dito ng programang "Pinoy MD."

Ibinahagi sa "Pinoy MD" ni Liza Villasena, may hypothyroidism, ang kaniyang naramdaman dahil sa nasabing karamdaman na nagpahina raw sa kaniyang katawan at metabolismo.

Sa umaga pa lang pagkagising, ramdam na raw niya ang mabigat na katawan at nakararanas din siya ng malamig na pakiramdam kahit hindi naman malamig ang panahon.

Ano nga ba ang hypothyroidism at koneksyon nito sa thyroid hormone at paaano ito maiiwasan? Panoorin:


Click here for more GMA Public Affairs videos:

-- FRJ, GMA News