Sa kaniyang "i-Witness" report, nasaksihan ni Kara David kung papaano kinikilala at nakikipagkomunikasyon sa pamamagitan pag-iingay ang mga sinagip na elepante sa babaeng nagsisilbi nilang ina na nagtayo ng santuwaryo para alagaan ang mga sinagip na dambuhalang hayop sa Thailand. Panoorin.
Ayon kay Kara, sa buong araw niya sa santuwaryo, narinig lang niya ang pag-iingay ng mga elepante nang marinig ng mga hayop ang boses ni Sangduen "Lek" Chailert, ang founder ng Save Elephant Foundation.
Sinabi rin sa ulat na bagaman isang mahalagang simbolo para sa mga Thai ang elepante dahil pangunahing relihiyon ang Budismo, tinatayang nasa 300 sa libo-libong mga elepante ang nakararanas ng matinding karahasan at pang-aabuso para lamang sa turismo.
Click here for more GMA Public Affairs videos:
-- FRJ, GMA News
