Muling nagbabalik sa pag-arte sa teatro ang Kapuso actor na si Derrick Monasterio.

On social media, Sparkle shared snaps from Derrick’s theater comeback as the titular role in the musical “Ibarra... Ngayon.”

Sa social media, ibinahagi ng Sparkle agency ang ilang larawan mula sa pagbabalik-teatro ni Derrick bilang pangunahing karakter sa musical play na “Ibarra... Ngayon.”

Dumalo sa kaniyang theater comeback ang kaniyang kasintahang si Elle Villanueva, kapwa Sparkle stars na sina Ysabel Ortega at Miguel Tanfelix, pati na rin si Tracy Garcia, Assistant Vice President for Talent Management ng Sparkle.

Sa direksyon ni Frannie Zamora, ang musical play ay hango sa nobela ni Jose Rizal na “Noli Me Tangere.”

Mapapanood ang “Ibarra... Ngayon” hanggang Hunyo 20 sa GSIS Theater sa Pasay City

Kasalukuyang kabilang si Derrick sa mga bida ng Kapuso Afternoon Prime drama na “Apoy Sa Dugo,” kasama sina Elle at Ashley Ortega.

Napapanood ang series sa ganap na 4:05 p.m. sa GMA Network. —Jade Veronique Yap/FRJ GMA News