Kapag may umutot sa tropa, madalas na kadikit na birong tanong ang, 'Kumain ka ng kamote no?" Pero sa seryosong usapan, maganda pala sa kalusugan ng tao ang kamote dahil mayaman ito sa fiber, carbohydrates, antioxidants, iron at magnesium. Alamin sa programang "Pinoy MD" ang ilan sa puwedeng gawing luto sa kamote maliban sa paglalaga nito at kamote cue.

Ipakikita ni Chef Winston Luna na hindi lang pang-meryenda ang puwedeng gawin sa kamote dahil may mga "level-up" recipes din para sa halamang-ugat na ito tulad ng Kamote Soup at Chili con Kamote. Panoorin.


Click here for more GMA Public Affairs videos:
 

-- Jamil Santos/FRJ, GMA News